?

Log in

The Resurrection of the Two-Faced God [entries|archive|friends|userinfo]
halmista

[ userinfo | livejournal userinfo ]
[ archive | journal archive ]

(no subject) [Aug. 20th, 2006|09:46 am]
halmista


You Are 50% Left Brained, 50% Right Brained



The left side of your brain controls verbal ability, attention to detail, and reasoning.

Left brained people are good at communication and persuading others.

If you're left brained, you are likely good at math and logic.

Your left brain prefers dogs, reading, and quiet.



The right side of your brain is all about creativity and flexibility.

Daring and intuitive, right brained people see the world in their unique way.

If you're right brained, you likely have a talent for creative writing and art.

Your right brain prefers day dreaming, philosophy, and sports.

Are You Right or Left Brained?



Alam nyo ba yung trick sa mata at daliri? Ung kung paano mo malalaman kung right brained o left brained ka?

-itapat mo yung hintuturo mo sa isang guhit, dapat nakabukas ang mata mo pareho
-Tapos, ipipikit mo yung kaliwang mata mo, kanan lang ang dilat
-Sunod kanan naman ang ipipikit mo, kaliwa naman ang mulat.

aling mata ang mulat (kaliwa o kanan?) ang pinakamalapit dun sa reference point ng daliri mo?
kung kaliwa, left brained ka, kung kanan naman right brained ka.

Pwera na lang siguro sa mga cyclops. Hindi ko alam kung paano mai-aaply sa kanila ang trick na ito.


Anyway, yung nasa taas pala e ang resulta ng quiz ko kung saan 50-50 daw ako. Ibig sabihin siguro nito e pantay ang paggamit ko ng left at right brain ko. Galing!!

Ibig sabihin, kung hindi ako ubod ng talino e ubod naman ako ng bobo.



link2 comments|post comment

(no subject) [Aug. 17th, 2006|07:21 pm]
halmista



Masyado na ako nahihilig sa mga iba't ibang pelikula nitong maga nakaraang araw. Pero mahina ang memorya ko sa pag-memorize nung mga malulupit na quotes dun eh. 



Fwends... ano ba yung mga magagandang mga linya sa pelikula ang hindi myo makalimutan? share naman.



Kahit ano:

nakakakilig
nakakainis
nakakatuwa
nakakatakot
nakakapagpaliwanag ng isipan 
at kung anu-ano pa.

link4 comments|post comment

(no subject) [Jul. 22nd, 2006|10:52 am]
halmista

ilang taon kong sinunod ang kartilya na yan. pakiramdam ko kasi nung mga panahon na iyon lahat ng tao ay may sinusunod ding kartilya. pero masakt mang tanggapin, dahan-dahang nabubura ang mga magagandang aral na iyan sa akin. hindi kasalanan ng anuman, hindi kasalanan ng mga taong nasa paligid ko, ng paaralan ko at ng lipunan.

Hindi ko rin dapat sisihin ang sarili ko, nagkataon lang na naging mahina ako sa panahong kailangan kong maging malakas.
link2 comments|post comment

Totoo nga kaya? [Jul. 19th, 2006|10:53 pm]
halmista


 


Takot ako sa kabiguang may kaugnayan sa pag-ibig. Sa palagay ko ay napakalupit na paraan ang hindi pagbigyan ang pusong hindi naman ginustong umibig sa taong tumanggi sa alok niya. Aborsyon, sa madaling salita.('wag mong patayin si pag-ibig, hindi naman sinasadyang mabuo 'yan)  Hindi natin malalaman kung sino talaga ang tunay sa para sa atin kung hindi natin susubukan. Pero sa batong pagulong-gulong, hindi kinakapitan ng lumot. Nakakalito.

May mga taong mahal mo, pero hindi mo gusto. May mga tao din na gusto mo pero hindi mo pwedeng mahalin. At marami pang kumbinasyon, hindi mabilang. Pero hanggang kelan ba natin hahanapin ang mahal at gusto natin? Sapat kaya ang habangbuhay natin para hanapin siya? Mahirap ipaliwanag dahil hindi na nakakapag-isip ng dahilan ang pusong umiibig.
link3 comments|post comment

Ano ang gagawin mo? [Jul. 5th, 2006|06:01 pm]
halmista

Photobucket - Video and Image Hosting

Ano ang gagawin mo kapag alam mong huling araw na ng buhay mo?

Ako, uupo, isusulat ko ang lahat ng nararamdaman ko nung araw na yun

Normal lang, dahil sigurado akong bago dumating ang araw na yun e tapos ko na ang mga dapat kong gawin sa mundo

Ikaw? anong gagawin mo?
link10 comments|post comment

(no subject) [Jun. 21st, 2006|10:46 am]
halmista
[Current Location |NR1]
[mood |amusedhuwaw!!]
[music |mahirap magmahal ng syota ng iba: apo hiking society]

alam mo ba ang pakiramdam ko kanina habang tinitingnan kita at parang umiiwas ang iyong mata?

At hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko na kahit nasa loob lang tayo ng isang kuwarto e parang ang layo mo.

Sabagay, hindi nga tayo magkatabi. Nasa magkabilang dulo tayo ng classroom, at sa espasyong nasa pagitan natin, nakikita ko ang mukha ng boypren mo! 

Pininyahang Manok pala ang paborito mo? pag-aaralan kong lutuin yun para sa'yo.

Mahal pa rin kita kahit hindi ka kumakain ng siopao.

Pero ibang klase naman talaga yung siopao na sinasabi ko sa'yo e. 
Astig kasi yun.
fried siopao siya(nabibili sa Shanghai Fried Siopao, Ongpin St.)
Nawala ako sa sarili nung una ko siyang natikman
Parang nagcha-cha yung kaluluwa ko sa sobrang sarap.

link3 comments|post comment

(no subject) [Jun. 20th, 2006|12:05 am]
halmista

napagisip-isip ko na marami pa pala akong gustong gawin sa buhay ko. Maraming beses na ko na rin gustong subukang gawin, pero maraming beses din akong tinamad. Marami akong gustong gawin. Mga bagong bagay na hindi ko pa nagagawa, at malamang hindi ko na magagawa kapag hindi ko siya ginawa sa lalong madaling panahon.

 

 

Kaya pinipili ko ba kung saan ako magandang magpunta para masimulan ko ang matagal ko nang pinaplanong gawin ang mga bagay na gusto kong gawin.

 

Sa Sagada kaya? kulang sa oras

Sa Daranak? mas malapit pero wala akong guide

Iyan. yang nasa itaas ang isang napakagandang halimbawa na napakaraming nagtatali sa akin para hindi ko magawa ang mga gusto kong gawin. Tama na siguro. Puro ako dahilan, tamad na akong masyado para maghanap ng paraan.

eto pang iba

Hanapin ko kaya si tetet? hindi ko naman alam ang apelyido niya

Maghanap kaya ako ng bagay, tao, pangyayari, lugar o kung ano man na bibigyan ko ng importansya? kelan, saan at paano?

Mag-isip kaya ako ng malalim at halungkatin ko kung anung pinakasimula ng topak ko para matapos na? next week na siguro, quiz sa math bukas e

Mamingwit ulit kaya ako para may trip na rin ako sa buhay? saan naman?

Gagawin ko na ang gusto ko. Dahil hindi ko naman pwedeng ipilit ipagawa sa iba ang mga kabaliwan ko.


Namputsa...

Basta buntot ko, hila ko... kasalanan ko kung bakit ako tinotopak ng ganito. Wag na mag-isip ng kung ano pa mang palusot.


Napansin ko lang, masyado na rin atang busy ang mga tao sa kani-kanilang trip sa buhay... wala lang.. buti pa sila may trip sa buhay..

link9 comments|post comment

Nawala [Jun. 18th, 2006|10:35 pm]
halmista
[Current Location |nowhere]
[mood |blankhah?]
[music |nowhere man by the beatles]

 

linkpost comment

(no subject) [Jun. 15th, 2006|08:13 am]
halmista

hindi mo lang alam ang epekto sa akin ng bawat luhang pumapatak galing sa'yo. kasabay ng luha mo ay unti-unti ding nalulusaw ang puso ko. lumayo na tayo sa isa't isa. hindi lang sa pisikal, ilayo  mo na rin ako sa isip mo na pilit kong ginagawa sa'yo. pigilin mo ang anumang tukso na maaabala mo ang paghihilom ng mga sugat ko! paghilumin mo na din ang puso mo. hindi ako ng makakatulong sa'yo sa bagay na yan, walang ibang makakatulong sa atin kundi ang ating mga sarili! kaya nakikiusap ako, lumayas ka na, lumayo ka na, pwede ka na ring mamatay, wag mo lang nakawin ang kalayaan kong nagsisimula pa lang mabuo ulit!!



linkpost comment

AIZEN MYO-O [Jun. 14th, 2006|06:30 pm]
halmista
[Tags|]
[Current Location |NR1]
[mood |lovedwow!! hearts-hearts]
[music |B-O-O-B-S by Dj Alvaro]

Nagsimula lang yun nung akala ko e kahawig siya ng isa sa mga kaibigan kong triplets. hindi ko naman alam na dahil madalas ko siyang tingnan e makikita kong maganda pala talaga siyang ngumiti. at dahil nagandahan na ako sa ngiti niya, parang naisip ko na ring tingnan ang mata niya, maganda din, talagang napakaganda ng mata niya. Ewan ko ba kung bakit ganito, basta tuwang-tuwa ako kapag nakikita siya(hindi tawang-tawa ha, iba yun).


sila yung triplets, at ako yung nagpapanggap na moomoo sa likod

link5 comments|post comment

navigation
[ viewing | most recent entries ]
[ go | earlier ]